HALATA na ang paglaki ng tiyan ni Heart Evangelista ngayong three months pregnant na siya. Sa napanood naming TV interview sa kanya, nabanggit na color white ang kanyang pinaglilihian.

HEART copy

“Anything white, white bread, hakaw, milk at ensaymada,” kuwento ni Heart. “Wala akong morning sickness, pero minsan antukin ako at matalas ang pang-amoy ko.”

Napansin din ni Heart na kung dati na siyang palaayos, mas palaayos siya ngayon at para mas maalagaan ang food intake, kumuha siya ng nutrionist.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Hindi pa alam ni Heart ang gender ng first baby nila ni Sen. Chiz Escudero at excited na raw siyang malaman. Nabanggit din niya na kung baby boy ang isisilang, may “Francis” sa magiging pangalan nito, sunod sa pangalan ng kanyang asawang si Sen. Chiz Escudero.

–Nitz Miralles