TAGUMPAY ang isinagawang 2018 Philippine Figure Skating Training Camp na pinangasiwaan ng mga beterano at Olympic coach mula sa Russia, sa pangunguna ng pamosong si Sergey Dudakov.

MASAYANG nakiisa ang mga Russian coach at opisyal ng Philippine Skating Union, sa pangunguna nina Sports Director Chris Martin (kaliwa) at President Josefina Veguillas, sa mga batang ice skaters sa pagatatapos kahapon ng isinagawang 2018 Philippine Figure Skating Training Camp sa SM Megamall Ice Skating Rink.

MASAYANG nakiisa ang mga Russian coach at opisyal ng Philippine Skating Union, sa pangunguna nina Sports Director Chris Martin (kaliwa) at President Josefina Veguillas, sa mga batang ice skaters sa pagatatapos kahapon ng isinagawang 2018 Philippine Figure Skating Training Camp sa SM Megamall Ice Skating Rink.

Ayon kay Cris Martin, Sports Director ng Philippine Skating Union, na siyang nagorganisa ng Camp, sa pakikipagtulungan ng SM Ice Skating Rink, mahigit sa 100 kabataan ang nakilahok sa programa na naglalayong pataasin ang kaalaman at malinang ang kahusayan ng mga Pinoy sa ice skating.

“We are trying to promote figure skating in the country and so far masasabi naming na successful itong programa na ginawa natin. Mismong ang mga Russian coach ay natuwa naman dahil nakita nilang malaki ang potensyal nating mga skaters na umunlad sa sports,” pahayag ni Martin.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Right now, may limang ice skating club na ang nagoorganized ng kanilang mga programa at may mga 300 atleta kaming active na nag-eensayo sa tatlong SM Skating Rink sa bansa,” aniya.

Ibinida naman ni Philippine Skating Union president Josefina Veguillas ang matibay na ugnayan ngayon ng asosasyon sa Philippine Sports Commission (PSC) kung saan umaasa ang sports na mas mabibigyan nang sapat na atensyon at tulong pinansiyal sa hinaharap.

“We need to expose our athletes in the international arena. Medyo magastos ito, tha’t why we need the help of the government. Right now, positive naman ang aksiyon ng PSC sa ating mga request,” sambit ni Veguillas.

Aniya, ang presensiya ng mga Russian coach sa Camp ay maituturing ‘breakthrough’ bunsod ng kalidad ng kaalaman na naibigay sa mga batang atleta na nakiisa sa isang linggong programa.

Bukod kina Alexander Fedorov at Maria Safanova ang regular na coach ng Pinoy skaters, nagbigay ng kaalaman at istilo si Sergey Dudakov na siyang coach ng mga pamosong Russian skaters tulad nina Alina Zagitova, 2018 Ladies Olympic gold medalist at Alexandra Trusova, 2018 Ladies World Junior champion.

“You have the best equipment and best athletes to make it to the international arena. You need focus and exposure,” sambit ni Dudakov.

Sa kasalukuyan, si Michael Martinez ang pambato ng bansa sa sports na nabigyan ng atensyon nang magawa niyang makalaro sa World championship sa nakalipas na mga taon.

-EDWIN ROLLON