CABANATUAN CITY - Patay ang isang tricycle driver matapos umanong manlaban sa mga tauhan ng Cabanatuan City Police-Station Drug Enforcement Unit (CCPS-SDEU) sa buy-bust operation sa Purok 2, Barangay Sta. Arcadia sa lungsod, nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ni Chief Insp. Jaime O. Ferrer, team leader ng operasyon, ang napatay na si Sherwin Sac-lolo, nasa hustong gulang, ng Bgy. Imelda, na umano’y tulak sa lugar.

Ayon sa report, nakahalata umano ang suspek sa buy-bust kaya pinaputukan umano ang mga awtoridad, na napilitang gumanti ng putok hanggang nasawi si Sac-lolo.

Dakong 9:40 ng gabi nang sumiklab ang sagupaan, at nasamsam umano mula sa suspek ang hindi pa mabatid na dami ng droga, P500 marked money, isang .38 caliber revolver na may apat na bala, at isang motorsiklong walang plaka.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

-Light A. Nolasco