NATULOY ang taping ni Marian Rivera ng anniversary episode ng Tadhana na siya tampok na aktres bukod sa pagiging host at ang director ay si Dingdong Dantes.

DINGDONG AT MARIAN copy

May mga nakita kaming behind the scene footages sa taping at sa isang post sa IG stoty, tinawag ni Marian na “Direk Dong” ang asawa.

Hindi magkasama sa tent sina Dingdong at Marian dahil ang kasama ng una ay ang assistant director niyang si Jo Macasa. May sariling tent at iba naman ang kasama ni Marian, baka share sila ni Lotlot de Leon na gumaganap bilang kapatid niya.

Bea Binene, pinadadalhan ng mensahe matapos ang hiwalayang Bea-Dominic

Wala pang announcement ang GMA News and Public Affairs na producer ng Tadhana kung kailan ang airing ng anniversary special na napapanood sa GMA-7 every Saturday.

One year in the making ang pagtatrabaho nina Dingdong at Marian bilang director at artista respectively.

-Nitz Miralles