OAKLAND, California (AP) – Ipinagkaloob kay Golden State Warriors coach Steve Kerr ang Rudy Tomjanovich Award, isang parangalan bilang pagkilala sa NBA coach sa kanyang mabuting pakikisalamuha sa media at mga tagahanga bukod sa husay sa kanyang trabaho.

Steve Kerr (Harry How / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / AFP)

Steve Kerr (Harry How / GETTY IMAGES NORTH AMERICA / AFP)

Ipinahayag ng Professional Basketball Writers Association (PBWA) ang pagkakapili kay Kerr nitong Lunes (Martes sa Manila). Ipinangalan ang parangal kay Tomjanovich, gumabay sa Houston Rockets sa dalawang NBA title (1995-1996).

Ginapi ni Kerr sa parangal, nakamit din niya noong 2015, sina Brad Stevens ng Boston, Mike D’Antoni ng Houston, Doc Rivers ng Los Angeles Clippers at Steve Clifford ng Charlotte.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nakamit ng Warriors ang dalawa sa huling tatlong NBA championship sa pangangaiwa ni Kerr. Tangan ng Golden State ang 2-1 laban sa Houston sa Western Conference finals.

Ayon sa PBWA, modelo si Kerr sa kanyang mga players at maayos ang pakikitungo sa mga miyembro ng working press