Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Center

12:30 pm Perpetual Help vs. Mapua

2:15 pm St. Benilde vs. UST

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

4:30 pm FEU vs. Adamson

6:30 pm Gilas vs. UE

MAPANATILI ang sorpresang pamumuno sa Group B ang asam ng College of St. Benilde, habang sumalo naman sa liderato ng Group A ang tatangkain ng Mapua sa pagsalang nilang muli ngayong hapon sa Chooks to Go Filoil Flying V Pre Season Cup sa San Juan City.

Nagsosolo sa kasalukuyan ang Blazers sa pangingibabaw sa Group B hawak ang malinis na markang 4-0, habang naiiwan ng isang panalo ng mga Group A leaders La Salle at Ateneo ang Cardinals sa taglay nitong kartadang 3-0.

Makakatunggali ng Cardinals sa unang laban ganap na 12:30 ng hapon ang University of Perpetual na hanggang ngayo’y di pa nakakatikim ng panalo pagkaraan ng unang na laban.

Makakaharap naman ng Blazers ang University of Santo Tomas sa susunod na laro ganap na 2:15 ng hapon na susundan ng tapatan ng Far Eastern University at ng wala pa ring talong Adamson University (2-0) ganap na 4:30 ng hapon at ng sagupaan ng Gilas Pilipinas Cadets at ng University of the East ganap na 6:30 ng gabi.

Huling ginulantang ng Blazers ang Arellano University Chiefs sa pamumuno ni Yankie Haruna para sa ika-4 na sunod nilang panalo.

Sasagupain naman nila ang Tigers na hangad dugtungan ang 98-88 na panalo nila kontra Jose Rizal University na pumutol sa nauna nilang back-to-back losses.

Sisikapin naman ng Tamaraws na makabalik sa winning track matapos maputol ang kanilang 3-game winning streak ng Blazers sa nakaraan nilang laban sa pagsagupa nila sa Falcons na hangad naman ang ikatlong sunod nilang panalo upang makaagapay sa liderato ng Group B.

Mag-uunahan namang makapagtala ng ikalawang panalo ang Gilas cadets(1-5) at ang Red Warriors (1-1) sa huling salpukan.

-Marivic Awitan