Ni MERLINA HERNANDO-MALIPOT

Bagamat ang siksikan sa mga silid-aralan ang nananatiling isa sa mga pangunahing problema tuwing magbubukas ang klase, sinabi ng Department of Education (DepEd) na ang taun-taon nang mga reklamong ito “is already a small proportion.”

Sinabi ni DepEd Assistant Secretary at Chief of Staff Atty. Nepomuceno Malaluan na nang suriin ng kagawaran ang iba’t ibang kakulangan sa mga pampublikong paaralan, “you would see that it is already a small proportion if you take the whole number in totality.”

Ayon kay Malaluan, “unfortunately, when one shows exactly one area or one school where that deficiency is there, it sometimes gives a thinking that it is what happens in t he rest of the education system.”

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Pinagbatayan ang mga huling datos na nakalap ng DepEd, sinabi ni Malaluan na ang mga kakulangan sa mga pampublikong paaralan sa bansa “is already a small proportion” at tiniyak na ang “backlogs have been addressed already”—partikular sa pagpapatupad ng K to 12 Basic Education Program.

Batay sa datos mula sa Education Facilities Division ng DepEd hanggang nitong Mayo 11, natukoy na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) “completed the construction of 10,401 classrooms” sa pagitan ng Hulyo 27 at Disyembre 2017, gamit ang pondo para sa nasabing taon.

Samantala, may karagdagang “44,422 classrooms, using the 2014-2017 funds, are ongoing construction and expected to be completed in the first quarter (Q1) of 2018.”

Target naman ng DepEd—sa pamamagitan ng DPWH—ang pagpapagawa ng 28,170 silid-aralan na pinaglaanan ng P70.5 bilyon ngayong 2018.

Natukoy din sa datos ng DepEd na “construction of 243 Technical-Vocational laboratories completed between July and December 2017.” Samantala, may karagdagang “329 laboratories are ongoing construction and expected to be completed in the Q1 of 2018.”

Sa inilaang P14.5 bilyon ngayong 2018, sa tulong ng DPWH ay target ng DepEd ang “construction of 5,913 additional workshops and laboratories”.