Sinisikap ng Kongreso na maiiwas ang kababaihan laban sa karahasan, tulad ng “electronic violence against women” o E-VAW, kasabay ng pagdinig upang kilalanin ang same-sex marriage o civil partnership of couples.

Tinalakay nitong Miyerkules ng House committee on women and gender equality ang E-VAW at ang same-sex relationship.

Sa isyu ng E-VAW, pinag-usapan ang tungkol sa 10-day paid leave para sa mga babaeng dumaranas ng electronic violence.

Sinuportahan naman ng resource persons mula sa Department of Justice, Department of Social Welfare and Development, Government Service Insurance System, Trade Union Congress of the Philippines, at Land Registration Authority ang draft ng House Bill 6595, na kumikilala sa “civil partnerships of couples”.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

-Bert de Guzman