ANKARA (AFP) – Tinuligsa ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan nitong Miyerkules ang pananahimik ng mundo sa pamamaril ng mga Israeli sa dose-dosenang Palestinians sa Gaza border.

‘’If the silence on Israel’s tyranny continues, the world will rapidly be dragged into a chaos where banditry prevails,’’ ani Erdogan sa hapunan sa Ankara.

Sumiklab ang panibagong karahasan sa Gaza nitong Miyerkules, kung kailan 60 Palestinians ang pinatay ng Israeli army sa mga protesta sa pormal na pagbubukas ng embahada ng United States sa Jerusalem.

Tinawag ni Erdogan ang pagdanak ng dugo sa Gaza na pagpapakita na ‘’the United Nations has collapsed’’.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina