PINAGHARIAN ni Laurence Wilfred “Larry” Dumadag ng Unesco-DFA ang katatapos na 1st DFA Chess Friendly Game na ginanap sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa Pasay City kamakailan.
Tinalo ni Dumadag ang lahat niyang nakatunggali para makalikom ng perfect 6.0 puntos tungo sa titulo sa event kung saan nagsilbing punong abala si Norman Padalhin, Director, OMEAA-DFA na dating Consul sa Damascus.
Nakuha naman ni Richard Trabado ng OAMSS-DFA ang solong ika-2 puwesto na may 5.0 puntos at nakaranas lamang ng pagkatalo kay Dumadag.
Nasa ika-3 puwesto naman si Tommy Wong ng OCA-DFA na may 4.0 na puntos na nabigo din kay Dumadag.
Ayon sa nagkampeon na si Dumadag,plano ni Director Padalhin ang Quarterly DFA chess friendly game kasama na ang pagsasagawa ng Invitational event kasama ang mga titled at non-titled chess players ng bansa.