Ni Mary Ann Santiago

Patay ang isang police officer nang pagbabarilin ng lalaking sakay sa motorsiklo sa Sta. Cruz, Maynila kahapon.

Dead on the spot si PO1 Manuel Cabusao, 31, nakatalaga sa Manila Police District (MPD)-Station 10, at residente ng 1217 Severino Reyes Street sa Sta. Cruz.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), nasa Tomas Papua St., kanto ng Remigio St., sa Sta. Cruz ang biktima nang pagbabarilin ng ‘di pa nakikilalang suspek, bandang 10:34 ng umaga.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Siniguro umano ng suspek na napuruhan ang target at humarurot patungo sa ‘di batid na direksiyon.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at ang motibo nito.