Celtics, abante sa 2-0 laban sa Cavaliers

BOSTON (AP) — Tulad ng inaasahan, rumesbak si LeBron James mula sa malamyang opensa sa Game 1. Ngunit, hindi sapat ang naitalang 42 puntos para pigilan ang pagdausdos ng Cleveland Cavaliers sa Eastern Conference Finals.

 NAGLAMBITIN sa rim si Marcus Morris matapos makumpleto ang alley-oop dunk sa dominanteng opensa ng Boston Celtics sa Cleveland Cavaliers sa Game 2 ng Eastern Conference Finals sa The Garden. (AP)

NAGLAMBITIN sa rim si Marcus Morris matapos makumpleto ang alley-oop dunk sa dominanteng opensa ng Boston Celtics sa Cleveland Cavaliers sa Game 2 ng Eastern Conference Finals sa The Garden. (AP)

Matikas na nakihamok ang Boston, sa pangunguna ni Jaylen Brown na nagtumpok ng 23 puntos, para sandigan ang Celtics sa 107-94 panalo sa Cavaliers nitong Martes (Miyerkules sa Manila) para sa 2-0 bentahe sa best-of-sevenb series.

Chavit Singson, pangungunahan pagpapatayo ng kauna-unahang PBA Arena?

Nag-ambag si Terry Rozier ng 18 puntos, habang tumipa si Al Horford ng 15 puntos at 10 rebounds para maibigay sa Boston ang 8-0 marka sa postseason sa TD Garden. Hindi pa natatalo ang Celtics sa playoff sa sandaling hawakan ang 2-0 bentahe.

Hataw din si James na may 12 assists at 10 rebounds. Nagtumpok siya ng 21 sa 27 puntos ng Cavaliers sa first quarter para pantayan ang playoff career-high para sa puntos sa unang period. Ang 42 p untos ang ika-40 sa career ni James sa postseason. Nalimitahan si James sa 15 puntos at mintis sa limang three-point attempts sa masaklap na kabiguan ng Cavs’ sa Celtics sa Game 1.

Kumana si Kevin Love ng 22 puntos at 15 rebounds para sa Cleveland.

Muling ibinalik ni Cavs coach Tyrone Lue si Tristan Thompson sa starting line-up kapalit ni Kyle Korver. Sa kabila nito, walang naganap na pagbabago sa kampo ng Cavs.

Nalimitahan si Korver sa 11 puntos mula sa bench, gayundin sina Thompson, JR Smith at George Hill na umiskor ng pinagsamang 11 puntos.