Ni Nora Calderon

NOONG early years ni Vilma Santos sa showbiz, kilala siyang hindi lamang mahusay na drama actress kundi isa ring mahusay na dancer, kaya nga kilala siya as Star For All Seasons.

Vilma at Lucky

Ilang taon ang kanyang Vilma show na kumakanta at sumasayaw siya. Medyo naiba ang career path ni Ate Vi nang pasukin niya ang pulitika, pero hindi siya lubos na naangkin ng pulitika dahil patuloy pa rin siyang tumatanggap ng offers kung magaganda ang role na ibinibigay sa kanya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Hindi rin siya nawawalan ng offers na maging endorser at gumawa ng TV commercials, tulad ng latest TVC na nang ma-upload sa Facebook, agad unani ng milyong likes at views.

Ito ang post ni @vilmasantosrecto sa kanyang Instagram wall: “I am speechless. Mahigit one day pa lang po naka-upload ang #ViLucky video namin for @puregold_ph eh umabot na ng 1.5 MILLION VIEWS! (and counting)

“Nakaka-touch po talaga lahat kayong nag-view, nag-like at lalo na ang mga nag-share! Parang lahat kayo ay nagregalo na rin sa akin for Mother’s Day. Again, thank you very much po sa mga #Vilmanians, fans ni @luckymanzano, colleagues in the industry, family and friends. And most especially sa mga nagulat sa pagbabalik ng original ‘Kembot Queen’ – Ms. Maribeth Bichara! Isang masayang reunion po ito para sa ating lahat!

“Paki-share po sa lahat ng mga mommies na gusto nating mapasaya! Isisigaw kong muli – I love you all #ViLucky Panoorin ang full video ng panalong surpresa ni Lucky sa akin sa bit.ly/vilucky2018 (or click the link in my bio).”

Si Luis ang nagturo sa mommy niya sa paggamit ng social media. Iilan pa lang ang post niya sa kanyang IG, pero bawat i-post niya ay umaani ng maraming likes, comments at shares , at isa nga rito ang video nila ni Lucky na “Sige Ikembot Mo, Mommy.”

Panoorin ninyo dahil wala pa ring kupas si Ate Vi sa dance moves niya, na sinabayan pa ni Luis, na hindi naman talaga dancer.