Ni Marivic Awitan
Mga Laro Ngayon
(Filoil Flying V Center)
1230n.h. -- FEU vs St. Benilde
2:15 n.h. -- UST vs JRU
4:30 n.h. -- Adamson vs Letran
7;00 n.g. == pm Gilas vs. NU
PAG-AAGAWAN ng Far Eastern University at College of St. Benilde ang liderato ng Group B sa pagtutuos nila ngayong hapon sa Chooks to Go Filoil Flying V Pre Season Cup sa San Juan City.
Nakatakda ang laro ganap na 12:30 ng hapon.
Magkasunod ngayon sa liderato ng kanilang grupo ang FEU at St. Benilde taglay ang markang 3-0 at 2-0, ayon sa pagkakasunod.
Magsasagupa naman sa ikalawang laro ganap na 2:15 ng hapon ang kapwa winless pa ring University of Santo Tomas (0-2) at Jose Rizal University (0-3) na susundan ng tapatan ng ngayon pa lamang sasalang na Adamson at Letran (2-1) ganap na 4:30 ng hapon.
Unahan namang makapagposte ng kani-kanilang ikalawang panalo ang Gilas Pilipinas cadets (1-4) at National University (1-3) sa paghaharap nila sa huling laro ganap na 7:00 ng gabi.
Huling tinalo ng tropa ni coach Olsen Racela para sa ikatlo nilang panalo ang JRU Heavy Bombers noong Mayo 8 habang naitala naman ng Blazers ang ikalawang dikit nilang panalo noon ding nakaraang Martes makaraang pataubin ang Lyceum of the Philippines University.
Muling natalo sa kanilang ikalimang laro kontra University of the Philippines, tatangkaing makabawi ng 23 for 2023 national men’s training pool na muling magwagi sa pagsalang nila kontra Bulldogs na magsisikap namang makaiwas na matalo ng tatlong sunod.
Sa kabila ng pagkakalagay sa bingit ng maagang eliminasyon, di nababahala si Gilas coach Jong Uichico dahil batid nyang kapos sila sa preparasyon at hindi makumpleto kada laro ang kanilang roster.
“We haven’t really had a complete line-up,”pahayag ni Uichico. “Many of the players are still with their mother teams –the school teams. We’ve had players taking on roles they are unfamiliar with like JJ Alejandro or even Ricci Rivero playing the point guard spot when it isn’t their natural position. They can play it in stretches or assist in running plays but not full time. It takes away from what they do well. But this is all part of the learning process. No excuses.”