BOSTON (AP) — Dumadagundong ang Boston Garden. At sa hindi inasahang pagkakataon, binigyan ng ‘blowout’ ng Celtics si LeBron James at Cleveland Cavaliers.

 MISTULANG linta ang depensa ni Marcus Morris kay LeBron James sa opening match ng kanilang Eastern Conference Finals.


MISTULANG linta ang depensa ni Marcus Morris kay LeBron James sa opening match ng kanilang Eastern Conference Finals.

Kumabig si Jaylen Brown ng 23 puntos at walong rebounds, habang kumana si Marcus Morris ng 21 puntos at 10 boards para sandigan ang Boston sa dominanteng 108-83 panalo kontra Cleveland sa Game 1 ng kanilang best-of-seven Eastern Conference Finals nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Nag-ambag si Al Horford ng 20 puntos sa Celtics, ratsada sa 17 sunod na puntos sa first quarter tungo sa one-sided win.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Inalis ni Cleveland coach Tyronn Lue si James may 7:09 ang nalalabi sa laro at abante ang Boston ng 28 puntos.

Nakatakda ang Game Two sa Martes (Miyerkules sa Manila).

Nanguna sa Cavs si Kevin Love na may 17 puntos at walong rebounds, habang nalimitahan si James sa 15 puntos, siyam na assists at pitong rebound.

Umusad ang Boston sa 61-35 — ang pinakamalaking bentahe sa halftime playoff sa career ni James.

Halos walang tumataya sa Boston na makakalagpas sa playoff matapo ma-injury si Gordon Hayward sa unang laro bilang Celtics sa opening game laban sa Cavaliers, gayundin si Kyrie Irving sa kalagitnaan ng regular season.

Maging si Hall of Famer Charles Barkley ang nagbitiw ng salitang “Their season’s over” ang kasalukuyang hindi makapaniwala sa inabot ng Celtics.