JAKARTA (AFP, Reuters) – Inatake ng suicide bombers ang tatlong simbahan sa Surabaya, ang pangalawang pinakamalaking lungsod sa Indonesia, kahapon na ikinamatay ng siyam katao at ikinasugat ng 40 iba pa, sinabi ng pulisya.

‘’Nine people are dead and 40 are in hospital,’’ pahayag ni East Java Police spokesman Frans Barung Mangera, idinagdag na dalawang pulis ang kabilang sa mga nasutagan.

May 10 minuto lamang ang pagitan ng mga pagsabog, ayon sa pulisya. Nangyari ang unang pagsabog dakong 7.30 ng umaga.

Nagbigay ng detalye ang pulisya sa pagsabog sa Maria Catholic Church.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

‘’We have confirmed one died at the scene, one died at the hospital, two police officers were injured and there are some civilians injured,’’ ani Mangera.

Tumaas ang opisyal na bilang ng mga namatay mula sa inisyal na dalawang katao lamang, at maaaring kabilang na rito ang ilang isinugod sa ospital.