Ni Ann Mary  Santiago

May kabuuang 2,738 mula sa 7,599 examinees ang nakapasa sa katatapos na Civil Engineer licensure examination, na idinaos ng Professional Regulation Commission (PRC) kamakailan.

Sinabi ng PRC na si Renz Rodney Fernandez, ng Western Mindanao State University sa Zamboanga City, ang nanguna sa pagsusulit, matapos na makakuha ng rating na 93.55%.

Kasunod ni Fernandez sina Garret Patrick Baluyot, na may rating na 93.25%; at John Victor Lau, na may 93.05%. Sina Baluyot at Lau ay kapwa graduates ng Mapua Institute of Technology-Manila.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Idineklara namang top performing school ang De La Salle University-Manila sa passing percentage na 88.14%, matapos na makapagtala ng 104 passers sa 118 examinees nito.

Ang online registration sa http://www.prc.gov. ph para sa issuance ng professional ID at certificate of registration ay sa Mayo 17-Hunyo 5.