Ni Liezle Basa Iñigo

LAOAG CITY, Ilocos Norte – Daan-daang empleyado ng Marcos Hall of Justice sa Barangay 10, Laoag City ang nabulabog nang makatanggap ng bomb threat, nitong Biyernes ng umaga.

Sinabi ni Chief Insp. Dexter Diovic Corpuz, tagapagsalita ng Ilocos Norte Police Provincial Office, na matapos nilang matanggap ang report ay kaagad na nagresponde ang Laoag City Police, Special Weapon and Tactics (SWAT) team, Explosives and Ordnance Division (EOD), at Bureau of Fire Protection (BFP)-Laoag City sa lugar.

Dakong 9:00 ng umaga nang makatanggap ng text message ang isang empleyado ng city hall kaugnay ng umano’y nakatanim na bomba sa gusali.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Matapos ang isang oras na clearing sa lugar, nakumpirmang negatibo sa anumang uri ng bomba ang gusali.

Aalamin pa ng grupo ni Chief Insp. Corpuz kung sino ang nasa likod ng bomb threat.