Ni Bella Gamotea

Sa selda ang bagsak ng walong sabungero, kabilang ang isang barangay tanod, sa isang anti-illegal gambling operation sa Taguig City, nitong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ang mga inaresto na sina Buhare Pinagayao y Aman, alyas Bon Jovi, 45, tanod; Samsudin Dalgan y Mampao, alyas Torio, 34, tricycle driver; Avellana Akmad y Alon, alyas Marden, 41; Rahim Pudong y Salik, alyas Rahim, 39, tricycle driver; Esmael Guiamel y Kamisa, alyas Yaser, 29, tricycle driver; Griego Alon y Buto, alyas Griego, 33; Castro Mamintal y Alamada, alyas Castro, 45, construction worker; at Akmad makuyag y tulon alyas Akmad, construction worker, pawang ng Barangay New Lower Bicutan, Taguig City.

Sa ulat na ipinarating ni Southern Police District (SPD) director, Chief Supt. Tomas Apolinario, Jr., inaresto ng mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU) at ng Police Community Precinct (PCP) 2 ng Taguig City Police ang mga suspek sa Maguindanao Extension, Bgy. New Lower Bicutan, bandang 3:00 ng hapon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nakatanggap ng sumbong ang awtoridad hinggil sa ilegal na sugal sa lugar, dahilan upang ikasa ang operasyon laban sa mga suspek.

Hindi na nakapalag ang mga suspek, na nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso, matapos makumpiskahan ng dalawang panabong na manok at P4,000 cash na pinaniniwalaang pusta.