TULAD ng inaasahan, nasa unahan ang mga liyamadong players, sa pangunguna nina Daniel Quizon at Kylen Joy Mordido sa pagpapatuloy ng 2018 National Age Group Chess Championships sa overnors’ Hall, Roxas City, Capiz.

Nangunguna si Quizon, tumabo ng limang gintong medalya sa nakalipas na ASEAN age-group meet at silver medal sa Asian Youth Chess Championships sa Chiang Mai, Thailand sa U20 boys.

Tangan naman ni Mordido, nakakuha ng limang ginto at isang silver medal sa AAGCC, ang kalahating puntos na bentahe sa U20 girls.

Nasa unahan din ng U14 boys class si Michael Concio, kumamada rin ng limang ginto at isang silver medal sa AAGCC, gayundin si Jerlyn San Diego, winalis ang lahat ng anim na event sa AAGCC at PSA awardee.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Dominado naman ni Al-basher Buto, isa ring PSA awardee at AAGCC five-gold at silver medalist, ang U8 boys sa torneo na inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines, sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Capiz, sa pamumuno ni Gov. Antonio del Rosario at Philippine Sports Commission.

Kumpiyansa naman ang kampanya ni Ruelle Canino, AAGCC six-gold medalist, sa U10 girls.

Sina Quizon, Mordido, Concio at San Diego ay nasa pangangalaga ni Dasmariñas City Mayor Elpidio Barzaga, habang si Buto, ay mula sa Cainta, Rizal at si Canino ay galling sa Cagayan de Oro.

Ang iba pang nangunguna sa kani-kanilang division sina U18- Aeron Keife Sinining (boys) at Vic Glysen de Rotas; U16- Jarvey Labanda and Jarel Renz Lacambra; U12- Allan Gabriel Hilario at Queen Rose Pamplona; U10- Cyrus James Damiray; at U8- Maria Teresa Lumancas.