Ni Gilbert Espeña
BUO ang paniwala ni five division at undefeated world champion Floyd Mayweather Jr. na maganda ang laban ni Manny Pacquiao sa hahamuning si WBA welterweight champion Lucas Matthysse sa Hulyo 14 sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Nasa Pilipinas ngayon si Mayweather matapos maglamiyerda sa mga bansa sa Asya, pinakahuli sa Bangkok, Thailand kasama ang kanyang staff na tinawag niyang Team Philippines.
“That’s a good matchup, very exciting fight,” sabi ni Mayweather sa GMA News. “Manny Pacquiao and Lucas Matthysse are great fighters. It’s great matchup [between] two former world champions so it’s going to be a very good fight.”
Nagwagi si Mayweather sa 12-round unanimous decision sa kanyang laban kay Pacquiao noong 2015 sa sagupaang sumira ng lahat ng rekord sa boksing tulad ng pinakamabiling pay-per-view buys na 4.8 milyon.
Walang problema kay Mayweather kung makikipagpulong kay Pacquiao kaya maugong na gusto niya ang rematch kung magwawagi sa kumbinsidong paraan ang Pinoy boxer kay Matthysse.
“Hopefully we can sit down and meet, probably have lunch or dinner and just see how’s everything been going for Manny and his team,” ani Mayweather.
May rekord si Mayweather na perpektong 50 panalo, 27 sa pamamagitan ng knockouts, pero napantayan ang kanyang kartada ng Thai boxer na si Wanheng Menayothin na kasalukuyang WBC minimumweight titlist.