Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Center)

10:00 n.u. -- Air Force vs PLDT (men’s)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

12:00 n.t. -- IEM vs Army (men’s)

4:00 n.h. -- Iriga-Navy vs BaliPure (women’s)

6:30 n.g. -- Petro Gazz vs Tacloban (women’s)

ASAM makabawi sa natamong kabiguan sa opening day ang koponan ng Petrogazz at Tacloban, habang magsisimula naman ng kanilang kampanya ang Iriga-Navy at Balipure sa pagpapatuloy ng aksiyon ngayon sa 2018 Premier Volleyball League Reinforced Conference sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Mayroong bagong roster pagkaraang mapunta sa koponan ng PayMaya ang kanilang mga mainstays, kasama si coach Roger Gorayeb sa pre-season, nananatiling optimistiko ang Purest Water Defenders sa kanilang tsansa kahit ang bubuo sa team ay ang core ng 4--peat UAAP girls volley champion National University.

Ilan sa mga maglalaro sa koponan si UAAP MVP at 2-time Finals MVP Faith Nisperos at 3-time Best Setter Joyme Cagande.

Kasama rin sina UAAP Season 80 MVP Mhicaela Belen, libero Jennifer Nierva, Alyssa Solomon, Ivy Lacsina, at Princess Robles.

Inaasahan namang mangunguna sa koponan sina NU seniors team members Rica Diolan, libero Gayle Valdez, Rosleyn Doria, Roma Joy Doromal at Audrey Paran kasama ang import na si Alexis Mathews.

Para naman sa nagbabalik na Iriga-Navy Oragons, mangunguna sina imports Macy Ubben at Lauren Whyte na susuportahan nina locals Grazielle Bombita, Charmaine dela Cruz, Janet Serafica, Shyrra Cabriana, Reynelen Raterta, Hezzymie Acuña at Diane Ticar..

Mauuna rito sa men’s division, magtutuos ang Air Force at PLDT sa unang laro na susundan ng salpukan ng Instituto Estetico Manila at Army.