Ni Reggee Bonoan

INAABANGAN ng mga manonood ang magaganap na kasalan nina Martin (Richard Yap) at Lisa (Jodi Sta. Maria) sa Sana Dalawa Ang Puso ngayong araw.

RICHAR JODI AT ROBIN copy

Desidido na si Lisa na itigil ang pag-iisang-dibdib lalo pa at mahal na niya si Leo (Robin Padilla) ngunit bumigay naman si Mona at napa-‘I love you’ naman kay Martin.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Buong akala tuloy ni Martin, mahal na talaga siya ni Lisa kaya naman sisipot siya sa kasal at hindi na itutuloy ang planong maging ‘runaway groom.’

Ano kaya ang mangyayari sa kasalan? Sino kaya kina Mona at Lisa ang darating sa simbahan?

Huwag palampasin ang Sana Dalawa ang Puso bago ang It’s Showtime sa ABS-CBN. Para sa nakaraang episodes ng programa, mag-log on lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.