KUALA LUMPUR (AFP) – Bumoto kahapon ang Malaysians sa dikdikang tapatan sa halalan ng kontrobersiyal na si Prime Minister Najib Razak at dati nitong mentor, ang 92-anyos na dating authoritarian leader na si Mahathir Mohamad.

Pursigido si Najib na manatiling pinuno ng rehimen na namuno sa Malaysia simula nang kalayaan noong 1957, ngunit hinahadlangan ito ng pagbabalik ng beteranong si Mahathir.

Nahaharap si Najib sa malaking financial scandal na dumungis sa imahe ng Malaysia. Nakipag-alyansa si Mahathir sa mga partidong kumakalaban kay Najib, kabilang ang nakakulong na si opposition icon Anwar Ibrahim – na dati niyang kalaban.

Sa bisperas ng halalan, nangako si Najib ng tax exemptions sa kabataan at mas maraming public holidays habang sa karibal na talumpati, hinimok ni Mahathir ang mga botante na ibasura ang gobyerno na aniya ay sumira sa Malaysia.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

May 15 milyong botante ang huhusga sa 222 parliamentary seats. Nagbukas ang botohan dakong 8:00 ng umaga at nagsara 5:00 ng hapon. Inaasahan ang resulta kinagabihan o sa madaling araw ng Huwebes.