NAKABALIK na ng bansa si Dennis Trillo mula show nila nina Migo Adecer, Tetay at Solenn Heussaff sa Dubai. Balik-taping na rin ang aktor sa mga natitirang episodes ng The One That Got Away na magtatapos sa May 18. Sa napanood naming video, kitang nag-enjoy mag-perform si Dennis sa harap ng mga kababayan natin sa nasabing bansa.

RHIAN DENNIS LOVI AT MAX

Dahil malapit na ring matapos ang taping ng TOTGA, makakapag-concentrate na si Dennis sa shooting ng On The Job 2. Gusto ni Dennis ang role niya sa Erik Matti movie na isang bilanggo. First time niyang gumanap sa ganitong role at may malaking tattoo sa braso na ipinag-react ng kanyang fans. Inakala ng fans ng aktor na dinagdagan niya ang kanyang tattoo, pero fake lang naman pala.

Kuwento ni Dennis, masarap kasama ang cast ng OTJ2 na karamihan ay ngayon lang niya nakatrabaho.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

“Kasama namin si Leo Martinez at si Christopher de Leon at ang maganda, marami-rami raw kaming eksena na magkakasama at magandang experience sa akin ‘yun. Ang feeling ko, marami akong matututunan sa kanila. Na-starstruck nga ako sa kanila sa first shooting day ko na kasama sila. Na-starstruck din ako kay Erik Fructoso dahil napapanood ko lang siya dati sa Palibhasa Lalake ‘tapos kasama ko na ngayon sa movie. Iba ang pakiramdam,” kuwento ni Dennis.

Samantala, alam ni Dennis na mahirap na uling mangyari at kung mangyari man ay baka magtagal ang muling pakikipagtrabaho nang sabay-sabay kina Lovi Poe, Max Collins at Rhian Ramos, kaya ini-enjoy niya ang mga natitirang taping days.

“Sa simula ng taping, stiff ako at tahimik lang sa taping dahil hindi ako sanay na tatlo ang leading ladies ko. Sa mga sumunod na araw at hanggang ngayon, okay na kami. Sumasali na rin ako minsan sa kwentuhan ng mga girls. Masaya ang mga susunod pang episodes, tumutok lang,” pagtatapos ni Dennis.