Ni GENALYN D. KABILING

Kailangang aksiyunan ng mga ahensiya ng gobyerno ang lahat ng mga hiling at hinaing ng publiko sa loob ng 15 araw, alinsunod sa bagong anti-red tape order ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Layunin ng Memorandum Circular No. 44 sa processing time ng government permits, licenses at iba pang mga dokumento na pabilisin ang mga transaksiyon sa gobyerno at isulong ang transparency at accountability.

Ang circular, nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea para sa Pangulo noong Mayo 4, ay agad na magkakabisa.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“All government agencies and instrumentalities, including government -owned or -controlled corporations performing frontline services defined in RA (Republic Act) No. 9485 are hereby directed to respond to all public requests and concerns with 15 days from receipt thereof, unless a shorter period is provided under applicable laws and issuances,” nakasaad sa memo.

Binanggit ng Palasyo ang Republic Act No. 9485 o ang Anti-Red Tape Act of 2007 at ang Republic Act No. 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees sa huling mandato sa mga ahensiya ng gobyerno.

Sa memo, sinabi ni Medialdea na sa ilalim ng batas kontra red tape, dapat gumawa ang Estado ng mga nararapat na hakbang para isulong ang transparency sa mga transaksiyon sa publiko sa mga ahensiya sa layuning mabawasan ang red tape at mapabilis ang mga transaksiyon sa pamahalaan.

Nakasaad naman sa code of conduct ng gobyenro na ang lahat ng public officials at employees ay kailangang tumugon sa letters, telegrams o iba pang paraan ng komunikasyon na ipinaabot ng publiko sa looob ng 15 working days. Dapat nakasaad din sa kasagutan ang mga ginawang aksiyon para sa kahilingan