PAPASOK sa semis round ng 2018 World Slasher Cup Invitational 9-Cock Derby 2 ang mga matitikas na panabong ngayon sa 17,000 –seat at air –conditioned Smart Araneta Coliseum.

May 15 entries ang umiskor ng 2 – 0 sa derbing hatid ng Excellence Poultry and Livestock Specialists at Pit Game Media Inc. ni CEO Manny Berbano.

May tig-dalawang entries sina defending champion Frank Berin, sabong idol Patrick Antonio, Gov. Claude Bautista at Rey Briones.

May 2 puntos din sina Roger Nook ng Vietnam at kakamping sina Brian Tan at Nino Yee, Julia Nicole, Celso Salazar/Dems Villaverde, Jun Tejada/Lawrence Lu, Bachok Cardenas, Hermie Capuchino at Fred Cruz.

'Matagal ko nang pinapangarap ‘yon!' Alex Eala, naging emosyonal nang tugtugin Lupang Hinirang sa 2025 SEA Games

May semis round uli bukas, Miyerkules, May 9 sa pasabong na ito ng Pintakasi of Champions.

Walang laban sa Huwebes at babalik ang aksyon sa May 11 (4-cock finals para sa 2 hanggang 3.5 points) at May 12 (4-cock finals ng 4 hanggang 5 points).

Para sa patron at box tickets, bisitahin ang Ticketnet box office sa Araneta Coliseum Circle (Yellow Gate) o tumawag sa 911-5555.