GINAPI ng National University Bulldogs at St. Francis of Assissi College Doves ang kani-kanilang karibal sa pagpapatuloy ng 24th Fr. Martin Cup summer tournament sa St. Placid gymnasium sa San Beda-Mendiola campus sa Manila.

Hataw si Manuel Mosqueda sa naiskor na 18 puntos para sandigan ang Bulldogs sa manipis na 82-81 panalo kontra Letran Knights sa torneo na itinataguyod ng Cocolife.

Kumubra naman si Adolfo Tolosa ng 13 puntos para pangunahan ang Doves kontra Emilio Aguinaldo College, 71-69.

Sa iba pang laro, nanaig ang Diliman College Blue Dragons, sa pangunguna ni Adama Diakhite na tumipa ng 30 puntos, kontra Frankie Lim-coached University of Perpetual Help Altas.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa junior division, naitala ng San Beda Red Cubs ang magkasunod na panalo. Hinigitan ng Red Cubs, sa pangunguna ni Kent Pelipel, ang Kidzhots, 115-37. Bumida naman si Josiah Alcantara na may 16 puntos sa 90-55 panalo ng Red Cubs kontra Firrst City Providential College of Bulacan.

Nakalusot naman ang Diliman Preparatory School sa Paco Catholic Foundation, 80-79.