NAKAKAHALATA yata ang young actor na tipelya siya ng mga bading sa showbiz dahil nang mapansin niyang nakatingin ang mga ito sa lower part ng kanyang katawan ay bigla siyang umayos ng upo.

Nagbubulungan ang mga bading habang nakatitig sa young actor na kasama sa pelikulang malapit nang ipalabas. Kasi naman hindi maayos ang pagkakaupo nitong bagets at bumubukaka pa na parang nanonood lang ng TV sa sala ng bahay nila.

Kaya hayun, parang nagwi-window shopping ang mga bading, panakaw ang mga ngiti at bulungan sabay nguso sa kinaroronan ng young actor na biglang napatingin at saka umayos ng pagkakaupo.

Hayan, lesson learned na rin sa lahat ng artista na kapag nasa isang pagtitipon ay ayusin dapat ang sarili at huwag maging kampante na parang walang ibang tao sa paligid.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Kung minsan kasi ay burarang artista rin ang dahilan kaya sila napagtitripan ng mga bading, unless type rin nilang pinagtitripan sila.

Anyway, walang record na pumapatol sa bading ang young actor dahil nanggaling sa maayos na pamilya at sa katunayan ay hindi lang sinasadya ang pagkakapasok niya sa showbiz.

Suplado ang imahe ng young actor dahil siguro hindi pa sanay sa showbiz, kaya hindi pa rin niya alam ang mga isinasagot sa mga tanong sa dinaluhang presscon. (Reggee Bonoan)