Ni Bella Gamotea
Pinalakas pa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang kampanya nito laban sa graft and corruption sa pamamagitan ng binuong bagong “Efficiency and Integrity Development Plan” (EIDP) upang mapagbuti ang paghahatid ng mga programa at serbisyo ng ahensiya.
Inaprubahan ni TESDA Director General, Secretary Guiling “Gene” A. Mamondiong ang EIDP na ipatutupad sa kasalukuyang administrasyon bilang suporta ng ahensiya sa anti-graft and corruption program ni Pangulong Rodrigo Duterte.