Umapela si Kapamilya host Bianca Gonzalez sa mga media platform kaugnay sa pagtatampok ng mga mamahaling gamit ng mga sikat na tao.
Sa isang X post ni Bianca noong Lunes, Abril 7, sinabi niyang hindi umano naaayon ang pagbabalandra sa presyo ng mamahaling gamit sa panahon ng krisis.
“Sa mga media platforms featuring luxury items ng mga celebs, wag na muna sanang isama sa feature yung presyo ng mga ito,” saad ni Bianca.
Dagdag pa niya, “Malamang ay pinag-ipunan nila ito, oo, pero sa ekonomiyang ito, sa taas ng presyo ng gas at bilihin, sa nangyayari sa mundo, sa hirap na pinagdadaanan ng mga kababayan natin, hindi ito ang panahon para detalyehin pa at ibida ang mga ganitong bagay. Hindi naaayon.”
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Yun lang kasi ang validation ng iba, lalo na kung mukhang kesong butas2 ang asawa "
"Totoo miss bianca at sana maaksyunan ung mga private company na nagpapasahod ng walang minimum gaya samen 365 a day in almost 4years na sa kanila. Sa sobrang taas ng ibang bilihin kulang n kulang"
"Totoo yannnnn. Kung negosyo nila yung luxury items at nagmamarket lang online, go. Pero kung feature feature lang sa socmed at nakapublic na pati presyo forda “inspire” video, parang off na off nga ata sa panahon ngayon."
"I think celebrities should also be more mindful of what they put out there, public figures sila eh. I understand they’ve worked hard for wht they have, but there should be some restraint in flexing or showcasing a lavish lifestyle, esp considering the current economic situation."
"This is not the time to brag those items, lalo na sa mga pulitiko, mahiya kayo sa kbabayan nyo.! Lalo nag kawawa mga minimum wage earner ngayung panahon. "
"Pwera yung mga asawa ng mga politicians. Hindi sila exempted pati mga contractors sa gobyerno"
"Mahilig kasi sa ganyang content ang mga tao. Kapag walang price na nilagay, read the comments puro un ang tanong."
"Pakialam mo naman? Pinaghirapan at pinag-ipunan naman nila ‘yan. Kung ipagmalaki nila ang pinaghirapan nila, karapatan nila ‘yun. Kung hindi naaayon sa’yo, or hindi ka comfortable, seek professional help or talk to a psychologist about it. "
Sa kasalukuyan, patuloy ang pagsipa ng presyo ng langis bunsod ng sigalot sa Gitnang Silangan. Nag-anunsiyo na ang mga kompanya ng produktong petrolyo ng karagdagang singil na epektibo ngayong Martes, Abril 7.