Ni Marivic Awitan

SA kabila ng pagkabigong maihatid ang kanyang koponang National University nakakuha naman ng konsolasyon sa pagtatapos ng kanyang playing years sa UAAP si Jaja Santiago nang magwagi ito bilang UAAP Season 80 women’s volleyball MVP.

NABALEWALA ang mga iskor sa spikes ni Jaja Santiago ng Foton nang pabagsakin ng F2 Logistics sa semifinals ng PSL volleyball championship sa Fil-Oil Center sa San Juan City. (RIO DELUVIO)

Jaja Santiago (RIO DELUVIO)

Maliban sa prestihiyosong MVP trophy, pormal ding iginawad sa 6-foot-5 na si Santiago, sa idinaos na awards rites bago ang Game Two ng women’s finals ang parangal bilang Best Spiker.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ginawaran din ng award kasama ni Santiago ang eksplosibong spiker ng University of Santo Tomas na si Cherry Rondina na nagwaging Best Scorer at ang kakampi nitong si Fil-Italian hitter Milena Alessandrini na sIyang nagwaging Rookie of the Year.

Ang iba pang mga awardees sa women’s division ay sina Desiree Cheng ng La Salle (Best Server), University of the East libero na si Kath Arado (Best Digger, Best Receiver),Celine Domingo ng Far Eastern University (Best Blocker) at Deanna Wong ng Ateneo (Best Setter).

Samantala, sa men’s division, tinanghal namang una at natatanging 5-time MVP si Marck Jesus Espejo sa pagtatapos ng kanyang UAAP career.

Naging Rookie-MVP ang graduating outside hitter, sa kanyang unang taon at nagtapos ding MVP makaraang pamunuan ang Blue Eagles papasok sa kampeonato ng Season 80.

Bukod sa MVP, si Espejo rin na kamakailan lamang ay gumawa ng league record na most points in a game na 55-puntos ay pinarangalan ding Best Spiker, Best Scorer at Best Server.

Tumanggap din ng individual award kasama ni Espejo ang mga kakampi nyang sina Ismilzo Polvorosa bilang Best Setter at Ariel Morado bilang Rookie of the Year.

Ang iba pang awardees sa men’s division ay sina , Jayvee Sumagaysay ng UST bilang Best Blocker, Jopet Movido ng La Salle ibilang Best Digger at Rikko Marmeto ng FEU bilang Best Receiver.