Ni Leandro Alborote

TARLAC CITY - Halos maligo sa sariling dugo ang tatlong lalaki nang sa hindi malamang dahilan ay pinaghahataw sila ng tubo ng isang 34-anyos na binata sa Sitio Pag-asa, Barangay San Rafael, Tarlac City, nitong Lunes ng gabi.

Isinugod sa Tarlac Provincial Hospital sina Gilbert Yusi, 45, ng Bgy. Ungot; Boldwin Fernandez, 46; at Anthony Pancho, 43, pawang taga-Sitio Estrella, Bgy. San Rafael, Tarlac City na nagtamo ng matitinding sugat sa iba't ibang parte ng katawan.

Kinumpirma ni SPO1 Eduardo Hipolito na naaresto at kakasuhan ng frustrated homicide si Jaypee Quinto, 34, binata, ng nasabing barangay.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?