Ni Nitz Miralles

SA schedule ni Kris Aquino this week, Wednesday lang ang free day niya. Kahapon, nag-shoot sila nina Josh at Bimby ng webisode para sa Ceelin at Mother’s Day presentation. Nagluto ang dalawa, sorpresa nila kay Kris.

Kris copy

This Tuesday, para sa Ever Bilena naman ang shoot niya at sa Wednesday, ang kanyang pahinga.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa Thursday, another TVC shoot ng new endorsement at sa Friday, resume si Kris ng shooting ng Star Cinema movie na I Love You. Hater.

Pangatlong araw pa lang ng shooting ni Kris sa movie, nauna nang kinunan ang mga eksena nina Joshua Garcia at Julia Barretto, pero kinakitaan na niya agad ng passion sa trabaho at professionalism ang dalawa. Napamahal na agad kay Kris ang JoshLia at gaya ni Sharon Cuneta, inampon na rin niya ang mga ito.

Patuloy ang pagdating ng blessings kay Kris particular sa endorsements. Tila may tatlo siyang bagong endorsements kahit marami ang nagha-hanash.

Samantala, may post si Kris na nagustuhan ng kanyang followers dahil inamin ang mga pagkakamali niya.

“NO -- I’m not proud of my mistakes but I’m WOMAN enough to own them. And I’ve lived enough to know that when I make a stand, I don’t shiver, quiver, or waver when I unleash the haters... Iil do get wiser, stronger, and better. After all, I AM A MOTHER.”

Sinundan niya ito ng, “The end of this chapter...Time to begin my next.”