Ni Nitz Miralles

GOOD vibes ang dating sa mga nakabasa sa short convo nina Marian Rivera at Jennylyn Mercado sa Instagram (IG) ni Jennylyn.

Jennylyn Mercado (14) copy

Ipinost ni Jennylyn ang picture nila nina Tom Rodriguez at Leanne Bautista (gumaganap na anak nila ni Tom) sa The Cure. May paalala si Jennylyn na simula kahapon, airing na ang epidemic drama ng GMA-7.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Nabasa ang “Congratulations jen!” message ni Marian na sinagot niya ng “@marianrivera salamat, Yan!”

Natuwa ang mga nakabasa sa short convo ng dalawa at pati fans ni Jennylyn, nag-thank you kay Marian. May nag-wish pa na sana, sa susunod ay pagsamahin sila ng network sa isang teleserye.

Last Sunday, nag-guest si Jennylyn sa Sunday Pinasaya at kahit wala silang segment together ni Marian, tiyak na nagkausap off-cam ang dalawang aktres.

Anyway, para kay Direk Mark Reyes, perfect for the role of Gregory and Charity sina Tom at Jennylyn at si Leanne sa role ng anak nilang si Charity. Maraming action scenes na isa sa mga rason kung bakit dapat subaybayan ang The Cure. Parehong nag-training ang dalawa at makikita sa mga eksena ni Jennylyn kung bakit nasabi ni Direk Mark na Lara Croft sa Tomb Raider ang dating ni Jennylyn.