Ni Marivic Awitan

PAANONG sosolusyunan ng season host Far Eastern University Lady Tamaraws ang kanilang problema sa kakapusan ng karanasan na maglaro sa finals na siyang malinaw na dahilan kung bakit sila natalo ng straight sets sa kamay ng reigning titlist De La Salle noong Game 1 ng UAAP Season 80 volleyball tournament finals nitong Sabado.

 UMAASA ang Far Eastern University Lady Tams na makakabawi sa La Salle Spikers sa kanilang UAAP championship match. (RIO DELUVIO)


UMAASA ang Far Eastern University Lady Tams na makakabawi sa La Salle Spikers sa kanilang UAAP championship match. (RIO DELUVIO)

Unang pagkakataon na pumasok ng Lady Tamaraws sa finals pagkalipas ng siyam na taon kumpara sa Lady Spikers na nasa ika-sampung sunod na taon ng pagiging finalist.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Dahil sa kakapusan sa karanasan, nakapagtala sila ng 34 na errors sa loob ng tatlong frames na kabiguan nila sa Lady Spikers,.

Mismong si Lady Tamaraws coach George Pascua ay hindi naitago ang pagkadismaya sa napakaraming puntos na ipinamigay nila.

“Unfortunately, ‘yung error namin, ‘yun ang marami kaya nanalo sila sa amin,” pahayag ni Pascua,. “Sabi ko nga sa players ko, ‘Hindi ako nate-threaten kung sinumang kalaban ninyo, mas nate-threaten ako kapag nag-errors kayo nang sobra-sobra.’

“If you serve, pag nag-commit ka ng error, hindi kasalanan ng receiver or what. Yung individual character or errors, yun ang nagpatalo sa amin.”

Bagamat napakasakit ng nasabing pagkabigo, nananatiling positibo ang Lady Tamaraws sa kanilang tsansa dahil nakit nyang kaya nilang malimitahan at maiwasan ang nagawang pagkakamali sa unang laro. .

“‘Yung experience na nakuha namin sa nangyari ngayon, plus lessen ng errors, walang imposible. Hindi kami hihinto hangga’t hindi natatapos ang laban, so back to drawing board ulit kami,” wika ni Pascua. “Posible kasi nangyari na sa men’s yun dati, nung ako pa yung coach against UP. Game 1 talo na kami, Game 2, Game 3 nakuha namin. Same din sa babae, nakuha ng Adamson ng Game 1, tapos [2 and 3] nakuha.”

“Sana mangyari ulit sa amin, kasi same team naman. Basta kailangan lang magtrabaho lang ulit.”