Ni REMY UMEREZ

MASAYA si Alfred Vargas na muling na-extend ang Kambal Karibal, ang comeback teleserye niya sa GMA-7. Una niya itong full-length project after ng absence sa telebisyon sa loob ng apat na taon.

aLFRED copy

“Kahit saan ako pumunta ay tinatawag nila akong Bebe na siyang tawag sa akin ni Jean Garcia sa show, I always look forward sa taping day dahil sa pagiging propesyonal ng cast at magagaling silang lahat. Saludo ako sa galing nina Bianca Umali at Kyline Alcantara. They have bright future,” pahayag ng actor na muling tatakbo sa 2019 election.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

He is now on his second term.

Balik-pelikula rin si Alfred sa action-drama na Men In Uniform. Kuwento ito ng mga panganib na sinusuong ng isang sundalo. Kasama ni Alfred sa pelikula sina Rayver Cruz, Jeric Raval at Rommel Padilla

Isang big-budgetted movie ang ipo-prodyus ni Alfred na ayaw pa niyang isiwalat ang mga detalye.

Ang pagganap ayon sa actor ay isang bagay na hindi niya puwedeng talikuran dahil sa maraming biyayang idinulot nito sa kanyang buhay.