Ni Nitz Miralles

PAGKATAPOS maglabas ni Solenn Heussaff ng makeup transformation niya kay Paolo Ballesteros, si Paolo naman ang naglabas ng transformation niya sa kasama sa Regal Multimedia movie na My 2 Mommies na showing sa May 9.

Paolo bilang si Solenn copy

Pinangalanan ni Paolo na Gasolenn Heusaff ang makeup transformation niya na nang makita ni Solenn, nag-comment ng “The best!!!”

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Sabi naman ni Direk Eric Quizon, “ginalingan” at lahat ng nag-comment, muling pinahanga ng kahusayan ni Paolo sa makeup transformation.

Kay Solenn namin nalaman na three hours ginawa ni Paolo ang makeup transformation para maging kamukha niya. Siya naman ay two hours ginawa ang panggagaya sa mukha ni Paolo.

Ang request ngayon ng fans, dumating sina Solenn at Paolo sa premiere night ng My 2 Mommies na si Solenn ay si Paolo at si Paolo at si Solenn. Puwede kaya ito, mga beshie?

Anyway, tiniyak ni Direk Eric na isang masaya, full of love and laughter ang My 2 Mommies at isa sa nagpapa-excite rito ay ang pagbabalik-pelikula si Maricel Soriano. Makikita lang na wala pa ring kupas ang husay sa comedy ng aktres.