Ni Fer Taboy

Papangalanan na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 9 ang 13 opisyal ng barangay na sangkot umano sa ilegal na droga.

Sa pulong-balitaan sa Davao City, siniguro ni PDEA-Region 9 Director Antonio Rivera na ilalantad na nila ang pagkakakilanlan ng nasabing mga opisyal sa linggong ito.

Gayunman, hindi matiyak ng PDEA kung kakandidato muli sa eleksiyon sa susunod na buwan ang tinukoy na bilang ng mga opisyal ng barangay.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Una nang inihayag ni PDEA Director General Aaron Aquino na plano ng ahensiya na isapubliko bukas, Abril 30, ang pangalan ng mahigit 200 opisyal ng barangay na sangkot sa droga, batay sa kautusan ni Pangulong Duterte.