KUNG pagod na sa kakalaro at kakalangoy sa beach o pool ang iyong mga tsikiting ngayong summer, siguradong maaaliw sila sa patok na cartoons at iba pang mga programang pambata na mapapanood sa SKYdirect.

cartoons

Naririto ang ilang kiddie TV shows na hindi dapat palagpasin:

Avengers Assemble -- Kung superhero cartoons ang paborito ng inyong anak, tiyak na panalo sa kanyang panlasa ang Avengers Assemble, na nagsanib-puwersa sina Iron Man, Incredible Hulk, Captain America, at ang baguhang superhero na si Falcon. Sa programang ito ng Disney Channel (SKYdirect Ch. 18), magsasanib-puwersa ang superheroes para puksain ang kanilang mga kalaban.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Justice League Action -- Matinding labanan din ang mapapanood sa Justice League Action tampok sina Batman, Superman, at Wonder Woman bilang superheroes na handang harapin ang mga supervillain na may layuning wasakin ang planeta. Napapanood ang Justice League Action sa Cartoon Network HD (SKYdirect Ch. 15).

Spongebob Squrepants -- Isa ang SpongeBob SquarePants sa all-time favorite cartoon TV series dahil sa exciting adventures ni SpongeBob sa Bikini Bottom kasama ang kanyang matalik na kaibigang si Patrick, isang pink na starfish. Napapanood ang SpongeBob SquarePants sa Nickelodeon (SKYdirect Ch. 17).

Team YeY -- Ang bagong tropa ng Team YeY ang magpapasigla ng bawat umaga ng inyong mga tsikiting dahil sa iba’t ibang activities na tampok sa show tulad ng storytelling, arts and crafts, singing, dancing, at marami pang iba. Umeere ang bagong episodes ng Team YeY tuwing 8:30 AM sa YeY (SKYdirect Ch. 3).

Mighty Magicwords -- Isang magical adventure naman ang aabangan sa Cartoon Network HD (SKYdirect Ch. 15) dahil sa Mighty Magicwords, na mahiwagang mga sandata ang magsisilbing susi para sa magkapatid na sina Vambre at Prohyas para labanan ang kampon ng kadiliman.

Sa halagang P150 kada buwan, tuluy-tuloy ang kasiyahan ng mga bata ngayong summer vacation dahil mapapanood nila ang kanilang favorite shows na kabilang sa SKYdirect prepaid plan 150 channel lineup.

Para mag-register sa SKYdirect prepaid plan 150, mag-load lang ng P150 at i-text ang SKY150 to 23667 gamit ang ABS-CBNmobile, Globe, or TM. Para sa karagdagang detalye, pumunta lang sa mysky.com.ph/skydirect.