HANDA na ang lahat para sa pagbitaw ng unang sultada ng pinakhihintay na 2018 World Pitmasters Cup (Fiesta Editon) 9-Cock International Derby bukas sa Newport Performing Arts Theatre sa Resorts World Manila sa Pasay City.

Kabuuang 254 ang kalahok sa torneo. Nakatakda ang weight in para sa elimination round ngayon simula 10:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon.

Nakatakda ang salpukan simula Abril 28 hanggang Mayo 5 set, muli sa pagtataguyod nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, RJ Mea at Thunderbird’s two top endorsers Engr. Sonny Lagon & Gov. Eddiebong Plaza, sa pakikipagtulungan nina Ka Lando Luzong & Eric dela Rosa at Thundebird Platinum – sa paluan ‘di mauunahan.

Sa gabay ng Games & Amusements Board (GAB) sa pamumuno ni Chairman Baham Mitra, ang 2018 World Pitmasters Cup 9-Cock International Derby y may garantisadong cash prize na P15 milyon para sa entry fee na P88,000 at minimum bet na P55,000.

Elasto Painters, nakabawi sa Beermen matapos ang 11-game losing streak; June Mar, nabutata!

Ang 2-cock eliminations ay nakatakda sa Abril 28 (Group A) at 29 (Group B), habang ang 3-cock semis ay sa Abril 30 (Group A) at May 1 (Group B).

Ang Pitmasters entries na may iskor na 3-3.5 ay sasabak sa 4-cock finals sa Mayo 3, habang ang mga may iskor na 4, 4.5 & 5 ay lalarga para sa 4-cock grand finals sa Mayo 5.

Patuloy ang pagtanggap ng slot reservations, makipag-ugnayan sa mobile no. 0927-8419979.