Ni BELLA GAMOTEA

Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaki na nagpanggap na pulis sa isang checkpoint sa Pasay City, nitong Miyerkules ng gabi.

Sasampahan ng kasong usurpation of authority, illegal use of police uniform at paglabag sa Omnibus Election Code si Felix Verona, 35, tricycle driver.

Sa ulat ni PO3 Robinson Alsol, imbestigador ng Pasay City Police, sinita ang suspek dahil sa hindi pagsusuot ng helmet habang sakay sa motorsiklo sa isang checkpoint sa NAIA Road sa lungsod, pasado 9:00 ng gabi.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

A g a d u m a n o n g nagpakilalang pulis si Verona at sinabing siya ay may ranggong Police Officer (PO) 1, at nagpakita ng identification card (ID).

Subalit nahalata ng mga pulis na peke ang ID ng suspek at ang suot nitong uniporme at nakuhanan pa ng isang kutsilyo kaya agad siyang dinala sa himpilan ng pulisya.

Sa pulisya, ipinagmalaki pa umano ni Verona ang mga patches na nakalagay sa kanyang uniporme at maging ang kanyang badge number.

Kalaunan, inamin umano ng suspek na matagal na niyang gustong maging pulis at ipinagawa lamang niya ang uniporme sa Taguig City.