Ang stress ay parte ng buhay na pinagdadaanan ng lahat.

Kapag hindi naagapan, maaaring mauwi ang stress sa depresyon, sakit na mas mahirap gamutin, na kadalasang sasailalim pa sa therapy at medikasyon.

Maaaring makaramdam ang taong nakararanas ng depresyon ng kawalan ng motibasyon sa buhay, galit at pananakit sa sarili, nagpapakita ng maling gawi at ang pinakamalubha ay pagpapakamatay.

Sa panahon ngayon ay stress ang kalaban ng bawat isa. Upang labanan ang stress, narito ang ilang tips ng DoH:

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Una, self-awareness, o pagiging sensitibo sa iyong mga pangangailangan, hinahangad, nararamdaman, at limitasyon.

Pangalawa, scheduling o pag-organisa ng iyong oras para hindi ka malunod ng trabaho at upang mapagtuunan ng panahon ang iba pang aspeto ng iyong buhay.

Pangatlo, siesta. Importanteng bigyan ng pahinga ang iyong isip at katawan.

Pang-apat, speak. Mahalagang malaman na hindi dapat kinikimkim ang nararamdaman o naiisip. Kung may bagay na nakakabagabag sa iyo, magsalita ka. Kung hindi mo ito maintindihan, maghanap ng makakausap at mapagtatanungan. Kapag hindi mo na kaya ang bigat ng iyong dinadala, humingi ka ng tulong.

Panglima, sounds. Makakatulong ang musika upang makapag-relax, makapagpapaganda ng iyong mood, at makapagpapasaya sa iyo habang ikaw ay may ginagawa.

Pang-anim, sensation. Importante ang masahe. Mabuting maglaan ng oras para magpamasahe at mag-relax.

Pangpito, stretching. Kailangan ang kaunting pagbabanat ng buto para ganahan ang iyong katawan at utak.

Pangwalo, socials. Makipagkaibigan dahil sa oras ng kagipitan, sila ang iyong masasandalan. Napakahusay na paraan bilang pantanggal ng stress ang pakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan.

Pangsiyam, smile. Ang pagngiti ay makatutulong para mabawasan ang bigat ng iyong dinadala. Laging ngumiti!

Pangsampu, sports. Hindi lang ito paraan upang makapagpahinga ang iyong utak (malayo sa trabaho), ngunit makatutulong din para paganahin ang kabilang bahagi ng iyong utak, at paraan din ito para ilayo ang sarili sa trabaho.

Pang-labing-isa, stress debriefing. Nakaka-trauma ang stress at hindi lamang makatutulong ang pagsailalim sa stress debriefing sa pagbawas ng epekto ng trauma, makakatulong din ito upang maka-recover mula sa stress.

Pang-labindalawa, spirituality. Ang paniniwala sa Poong Maykapal, na iyong masasandalan at hindi ka pababayaan, ay sadyang makapagpapagaan ng bigat ng iyong dinadala.

Kung nakararamdam kang stress o kung may kakilalang nangangailangan ng tulong, tumawag sa DOH hopeline:

+632 8044673

+639175584673

2919