Ni NITZ MIRALLES

IPINAKITA sa 24 Oras ang matinding training ni Glaiza de Castro para sa karakter niya sa Afternoon Prime ng GMA-7 na Contessa. Nag-target shooting siya at martial arts training pa. Sa training ng transformation ng kanyang karakter, makikitang intense ang mga susunod na eksena ng soap, sabay nang pagbabago ng karakter ni Glaiza.

IMG_2812 copy

“Malaking tulong na bago pa nagsimula ang taping ng Contessa, sunud-sunod ang training ko at na-apply ko ang nalaman ko sa training sa transformation ko from Bea to Contessa. Hindi lang ng karakter ko ang binago, new hairstyle and new looks din ako. Anything needed for my work and if it means sacrificing my hair, gagawin ko o ginawa ko na,” sabi ni Glaiza.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Hindi lang ang pagbabago ng physical look ang malaking challenge kay Glaiza sa pagganap sa role at karakter ni Contessa. Challenge rin sa kanya ang pagbabago ng ugali ni Bea into Contessa dahil kabaligtaran ng ugali ni Glaiza.

“Lahat ng napapanood na ugalit ni Contessa, lahat ‘yun hindi ako sa tunay na buhay. Malaki ang pagkakaiba ni Contessa kay Glaiza at may effort sa part ko na magampanan nang tama si Contessa. Dapat tama at kailangang galingan ko dahil invested ang viewers sa nangyari kay Bea hanggang maging si Contessa siya. Kasama sila sa journey, kaya kailangang galingan ko,” pagtatapos ni Glaiza.