Ni Leandro Alborote

LA PAZ, Tarlac - Limang katao ang isinugod sa emergency room ng Tarlac Provincial Hospital makaraang magkabanggaan ang isang motorized tricycle at isang motorsiklo sa Barangay Lomboy- Kapanikian sa La Paz, Tarlac, nitong Lunes ng gabi.

Ayon sa report ni PO2 Gilbert Pacis Viernes, nasugatan sa iba't ibang parte ng katawan sina Frank Jim Tababa, 25, driver ng Racal motorized tricycle (CO-33035); Mark Jude, 24, may asawa; Alvira Tababa, 22; at Josephine Catalan, 46, ng Bgy. Lomboy, La Paz, Tarlac.

Sugatan din sa aksidente ang rider ng Honda Wave motorcycle (NJ-9727) na si Jayson Ecotanim, 19, ng nasabing barangay.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Napag-alaman na dakong 7:50 ng gabi at patungong silangan ang tricycle nang aksidenteng nakabanggaan ang kasalubong na motorsiklo.