Ni LESLIE ANN G. AQUINO
Tulad ng automated polls, sinabi ng isang opisyal ng Commission on Elections na ang premature campaigning ay hindi rin itinuturing na poll offense sa manual elections.
“@COMELEC En Banc resolved today: premature campaigning is not an election offense in manual elections, such as barangay election, or automated elections,” sinabi ni Commissioner Rowena Guanzon, sa kanyang Twitter account @commrguanzon.
“Premature campaigning is no longer an election offense based on the Supreme Court ruling in Penera vs Comelec,” idinagdag niya.
Nakasaad sa Republic Act 9369 o Poll Automation Law na ang sinumang indibidwal na naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) ay ikokonsiderang kandidato sa pagsisimula ng campaign period at ang “unlawful acts applicable to a candidate shall be in effect only upon that start of the campaign period.”
Pinagtibay ito ng Supreme Court noong 2009 sa kasong Penera vs. Comelec, na nagbigay-daan para alisin premature campaigning bilang election offense.
Nauna rito ay hinimok ng National Citizens Movement for Free Elections (NAMFREL) ang mga kandidato para sa May 14 Barangay and Sangguniang Kabataan polls na umiwas sa maagang pangangampanya.
Pinaalalahanan ng poll watchdog group ang aspirants na ang simula ng campaign period ay sa Mayo 4 pa.
“There is a campaign period set by the COMELEC (Commission on Elections) so that it will be a fair fight,” sinabi ng Namfrel sa Facebook nito.
Sinabi ng grupo na ang mga hindi makasusunod sa patakaran na itinakda ng Comelec ay ituturing na hindi mabuting halimbawa ng isang public official.
Itinakda ng Comelec ang campaign period simula sa Mayo 4 hanggang 12.