Ni ADOR V. SALUTA

NAGBABALIK-SERYE ang actress-singer na si Vina Morales pagkatapos ng ilang taong bakasyon sa drama-television. This time, magsisilbing comeback ni Vina ang novel series na Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi, na pinagbibidahan nina Barbie Imperial at JM de Guzman.

Sa presscon ng PHR last Monday, ikinuwento ni Vina na most daring role so far ang gagampanan niya sa hapon-serye ng Kapamilya. Dito, may lover siya na mas bata sa kanya, sa katauhan ni Victor Silayan. In real life, Vina is in her ‘40’s while Victor is in his mid-20’s. Magkakaroon sila ng relasyon sa RSB serye na ipapalabas na sa Lunes.

“I’m stressed because it’s a sensual love story. Mapapasabak ako dahil sa mga sensual na mga eksenang ganyan, but I’m very excited because ‘yung role is very challenging - ang daming puwedeng gawin, ang daming puwedeng paglaruan ‘yung aking character from good to evil - from different types of mga eksena,” bungad ni Vina.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Having a 17-year age gap, inamin ni Vina na feeling awkward siya sa intimate scenes with the 25-year-old actor.

“My God. We did already. I’m only on my third day of taping. Sabi ko nga napasubo yata ako - naka anim na naka-bathing suit na. ‘Yung mga ganung mga eksena. Ang daming mga sensual scenes with Victor. Nakakakaba but I’m sure naman it will turn out well kasi kailangan sa character,” sabay tawa.

“May limitations pa rin naman. It cannot be [too sensual] kasi it’s an afternoon show but it’s sensual. ‘Pag Precious Hearts Romances kasi ‘di ba lumalaban, maraming skin na nakikita. Maraming mga daya na scenes but most of the scenes that I have is mostly sensual,” pahabol ng singer-actress.

Naiilang daw si Vina doing sensual scenes with Victor, “It was awkward. But it turned out okay naman so well. Sa mga eksena naman namin sa nakikita naman nila there’s like a chemistry on screen and talagang hinahanap din ‘yun because of our characters and sa relationship naming dalawa.”

After each takes, tinatawanan na lamang daw nila ni Victor ang kanilang role to lighten up the mood.

“Actually we joke around. Nagtatawanan nga kami after the scenes kasi tinatawa na lang namin sa sobrang stressed namin at nerbyos,” pahabol pa ni Vina.