NASHVILLE (AFP) – Matapos ang 24-oras na pagtugis ay nadakip ng pulisya nitong Lunes ang suspek sa pamamaril sa loob ng isang Waffle restaurant sa Nashville, Tennessee.

Nahuli si Travis Reinking sa kakahuyan malapit sa kanyang bahay. Tumanggi siyang makipag-usap sa mga awtoridad at nasamsam sa kanya ang isang semi-automatic na baril at mga bala.

Nahaharap sa kasong four counts of criminal homicide ang 29-anyos na suspek na nakasuot lamang ng jacket nang mamaril nitong linggo kung saan apat na katao ang namatay habang dalawa naman ang nasugatan. Noong nakaraang taon ay inaresto rin si Reinking matapos nitong tangkaing pumasok sa White House.
Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo