Ni Marivic Awitan

Mga Laro Bukas

(Filoil Flying V Center)

10:00 n.u. -- EAC vs UE

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

12:30 n.h. -- Mapua vs NU

2:15 n.h. -- San Sebastien vs St. Benilde

4:30 n.h. -- FEU vs Letran

6:30 n.g. -- Gilas Pilipinas vs Perpetual

SINIMULAN ng reigning titlist San Beda University ang title retention bid matapos pataubin ang National University, 71-61, nitong Linggo sa 2018 FilOil Flying V Preseason Cup sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Nagsimulang kumalas ang Red Lions sa huling bahagi ng second quarter para maitayo ang pitong puntos na bentahe sa halftime. Mula roon, hindi na nila binitawan ang pangingibabaw hanggang maangkin ang tagumpay.

Huling dumikit ang Bulldogs sa iskor na 61-65 matapos ang isang drive ng nagbabalik na si JV Gallego.

Ngunit, hanggang doon na lamang ang kanilang inabot dahil na takeover na si Javee Mocon at umigting pa ng husto ang depensa ng Red Lions upang masiguro ang panalo.

Tumapos si Mocon na may 12 puntos at tatlong rebounds na sinundan ng incoming senior na si JP Bahio na may 10 puntos at limang rebounds para pamunuan ang nasabing panalo ng San Beda.

“For the past few weeks, we have been concentrating on our individual defense. We don’t have much scrimmages, because we’re trying to achieve more on the skills of the players,” pahayag ni SBU coach Boyet Fernandez.

Sa iba pang mga laro, nagtala si Hubert Cani ng 15 puntos upang pamunuan ang Far Eastern University Tamaraws sa paggapi sa Arellano University Chiefs, 74-65.

Ginapi naman ng Letran ang University of Santo Tomas sa penultimate game, 95-90.