Ni REGGEE BONOAN

“Walalang pong opportunity (mag-usap),” ito ang kaswal na sagot ni JM de Guzman nang tanungin namin kung hindi sila okay ng ex-girlfriend niyang si Jessy Mendiola kahapon sa media launch ng Precious Heart Romances Presents Araw Gabi mula sa nobela ni Martha Cecilia na magsisimula na sa Lunes, Abril 30.

JM at Barbie

Pagkatapos ng Q and A tinanong namin si JM kung in good terms sila ni Jessy, “Nagkita po sa restaurant pero hindi (nagtama ang mga mata), parang pagdaan niya, nakayuko ako sa table tapos, sabi ng kasama ko, ‘huy si Jessy dumaan, tumingin dito sa table natin’ tapos pagtingin ko, ah siya nga.”

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Matagal ng naka-move on si JM kaya nu’ng tinanong kung may spark pa siyang naramdaman kay Jessy nu’ng nakita niya ang dalaga, “Wala na po,” saad ng aktor.

Sundot namin kung tanggap na ng binata na papunta na sa kasalan ang relasyon nina Luis Manzano at Jessy.

“Opo, masaya naman po ako ro’n, basta kung saan po siya masaya okay ako,” sabi ng ex-boyfriend ni Jessy.

Ang nakakatuwa ay mas nagkakausap pa sina JM at Luis nu’ng nagkita sila sa ASAP at winelcome pa siya ng TV host at nangumusta pa.

Going back to PHR ay gagampanan ni JM ang karakter na Adrian Olivar na isang CEO sa Olvidar Group of Companies na nagmamay-ari ng hotels, restaurant, theme parks. May madilim na katauhan ang binata kaya binansagan siyang The Beast sa El Paraiso resort.

At dahil “beast” ang karakter ni JM sa serye ay ganito rin siya sa set bagay na ikinabala ng leading lady niyang si Barbie Imperial bilang si Michelle Verano na sinabihang masungit.

Ang katwiran ng aktor, “Kasi po in character po ako kaya sa set tina-try kong i-invibe sa sarili ko na rin.”

Samantala, inamin ni JM na nagpapasalamat siya sa muling pagkakataon na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN lalo na si Direk Ruel S. Bayani na talagang suportado siya.

“Pinayagan po ako ng rehab na lumabas tapos dumalaw po ako dito tapos nabanggit nga itong show at movie, so pinag-isipan ko po, pero ang advise ng rehab ay isa lang muna ang gawin ko para hindi mapuwersa. Pinili ko po itong Precious Hearts,” pahayag ng aktor.

Nagre-report pa rin daw si JM sa rehab monthly at by July ay graduate na siya kaya looking forward siya rito.

Nangako naman ang aktor na sa pagkakataong ito ay trabaho ang konsentrasyon niya dahil ayaw niyang sayangin ang lahat ng oportunidad na ibinibigay sa kanya ng Kapamilya network.

Itinanggi rin ni JM na si Jessy ang dahilan kung bakit siya muling napasok sa rehab sa ikalawang pagkakataon.

“Wala po akong sinisisi kundi sarili ko ako lang po iyon, walang ibang may kagagawan,” saad ng binata.

Bukod kina JM at Barbie ay kasama rin sina Vina Morales, RK Bagatsing, Jane Oneiza, Paulo Angeles, Usabel Ortega, Joshua Colet, Victor Silaya, Arlene Muhlach, Eric Nicolas, Phoebe Walker, Ara Mina, Rita Avila mula sa direksyon nina Don Cuaresma, Mylah Ajero Gaite at Theodore Boborol mula sa RSB Unit